Ano ang Internet Marketing?

Internet marketing ay ang promosyon ng mga produkto at serbisyo online. Ito ay ang kahalintulad ng traditional marketing na may estratehiya tulad ng mga patalastas sa telebisyon, billboard, patalastas gamit ang mga banner, patalastas sa magazine at direktang mga liham (direct mail).
Ito ay ang parehong konsepto kung saan kailangan mong kunin ang Atensyon, Interes sa iyong produkto, at ang pagbili dito.
Kahit hindi mahahawakan ang mga produkto kung ito ay itataguyod Online, ito ay mahalaga pa rin. Subalit sa kadahilanang walang heograpikal na hadlang sa pagtataguyod ng iyong mga produkto at serbisyo online, kailangan mong samantalahin ang pagiging sikat at kakaiba ng promosyon sa internet.
Ang isa pang lahalagahan ng promosyon sa internet ay dahil kahit ang mga maliliit na negosyo ay maaaring makipagkumpetensya laban sa malalaking mga negosyo kapag nagawa ang promosyon sa internet nang maayos.
Mga Kampanya sa Internet Marketing
Upang gawing epektibo ang internet marketing, kailangan mong malaman ang mga kampanya at kung paano ang bawat isa sa mga kampanyang ito ay makakatulong sa iyo at sa iyong negosyo.
Search Engine Marketing
Search engine marketing (SEM) ay isang epektibong kampanya sa pagmemerkado sa internet. Ito ay dahil ang search engine optimization (SEO) ay ang paraan upang maabot ang iyong target market. Sa kabilang banda, ang search engine optimization din ang paraan para sa mga internet browser na mahanap ka.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga keywords o mga salita na hahanapin ng iyong mga customer sa search engine, magagawa mong maging epektibo ang iyong presensya online. Ikaw ay mahahanap sa pamamagitan ng mga search engine at dahil dito, maaaring mong maihatid ang iyong mga produkto at serbisyo sa mga potensyal na customer.
Social Media Marketing
Social media marketing (SMM) ay isang makabagong paraan ng promosyon online. Ito ay dahil sa napakaraming miyembro ng mga social media networks. Sa mga social media network, maaari mong mahanap ang iyong core target market at makikilala ang mga ito nang maayos. Ito ay dahil sa kanilang profile, kung saan din makikita mo ang contact details nila.
Sa pamamagitan ng kanilang profile, magagawa mong mahanap ang iyong target market at kumonekta sa kanila.
Gayundin, sa mga social media network, maaari mong i-advertise ang iyong negosyo at ang iyong mga produkto. Maaari kang mag-post ng mga larawan, mga video at impormasyon na may kaugnayan sa iyong negosyo. Ito ay makakatulong sa paglaki ng iyong negosyo.
Sa pamamagitan ng unang contact sa social media network, magagawa mong kumonekta at magpakilala sa iyong potensyal customer bago ka magpadala ng karagdagang impormasyon. Ito ay makakatulong na maiwasan ang hinala ng spam sa iyong mga email.
Ang social media marketing ay maaari ring maging isang paraan para ikaw ay makilala sa iyong industriya at iangat ang iyong reputasyon bilang isang mapagkakatiwalaang negosyante. Ito ay maaaring mong gawin sa pamamagitan ng pagbibigay o pagsulat ng kapaki-pakinabang na impormasyon ayon sa iyong industriya.
Kabilang sa iba pang mga internet marketing promotion na maaari mong gawin ay email marketing, ito ay ang patulad ng direct mail sa traditional marketing.
Maaari mo ring gawin ang affiliate marketing kung saan maaari kang bumuo ng army of marketers upang gumawa ng lead campaign para sa iyong produkto. Ang gastos dito ay minimal at ito ay isang epektibong paraan ng pagpapalago ng iyong negosyo online.
Iba pang mga estratehiya tulad ng display marketing, video marketing at article marketing ay makakatulong din sa iyo.
Bukod sa dami ng maaaring makuhang customer online, ang pagiging limitado ng gastos sa internet marketing ay makakatulong sa malawakang promosyon ng iyong mga produkto sa internet.
Internet Marketing SARL ay kumpanyang nag papatakbo ng mga internet marketing campaigns sa Gitnang Silangan at sa Asya. Mayroon sila ng mga koponan ng mga dalubhasa at propesyonal na tagapayo sa internet marketing. Makakatulong sila sa pagpaplano, pagpapatupad, pagsusubaybay at pag-aaral ng mga resulta sa promosyon sa internet.
Makipag-ugnay sa isang internet marketing consultant dito at talakayin ang iyong negosyo. Sila ay magbibigay sa iyo ang pinakamahusay na rekomendasyon at payo sa paglaki ng iyong negosyo sa internet.